<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

IBANG TAMIS
  • UPO KA
  • ISA PANG AKO
  • tsokolate para kay karla
  • bundok ni hera
  • lipad tungo kay cutepsycho
  • bakal na bulitas
  • apir kay pam
  • pipisikang malu
  • pilipit na january
  • luhod kay jodem
  • skank patay ka kay niknok
  • pambihirang daril

  • If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



    rss feed


     
    Tuesday, December 18, 2007
    Di mapakali

    pag ang puso naginit

    dugo lumalagkit

    bumibigat ang hangin

    paningin dumidilim

    kilos bumabagal

    galit

    pagod sa karanasan

    inis sa karahasan

    di ba matitigil

    di ba mapapagod

    nauubos na upos

    sigarilyo'y nauubos

    timpi

    hinga ay malalim

    nginig ng braso

    kamay ko

    bumabagal

    tumitigil

    dumidilim

    nawawala

    hindi


    Posted at 08:48 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Monday, December 17, 2007
    San na?

    sana matapos na ang sana

    sana makita ko ang sana

    sana meron pang sana

    sana maulan sana

    sana mahusay ka sana

    sana maintindihan ako sana

    sana mapagbigyan sana

    sana malagapasan ang sana

    sana ako sana


    Posted at 08:03 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Saturday, December 15, 2007
    Yosi sa clubhouse

    Namaga, napaso,

    tumikim, humalik

    higit ang sabik

    bumuga, humiga

    ano ang tema? ibulong mo nga

    dumikit, lumapit

    humalik muli..

    (si ana ang may akda)


    Posted at 02:40 am by vileo
    Make a comment  

     
    Saturday, December 01, 2007
    Nakasisilaw na harap

    maruming payong, dumudugong ilong

    away ni ka mandong, dahil lang sa pendong

    baklita kasi si mon, suklay pa

    wala namang hibla, buhok ilong na lang

    tawa sa ilalim ng ulan, dagok sa ilalim ng kuwan

    hala, buti na lang - PIS! PENDONG!


    Posted at 08:53 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Friday, November 30, 2007
    Sa isip ko ngayon

    Kayang makinig, tumambay sa musika, sa ilaw, sa ilalim ng kung ewan

    Pangarapin, hanapin ang munting bituin, hinarahap o kahit balakubak

    Humiga sa malamig na dahon, sa maruming semento, lupang pinag mulan

    Hinga, malalim at mahigpit - Heto na.. na naman. Sana ay siya na.

    Apir! Tagay sabay iling! Kamay ko ay may uling...


    Posted at 08:50 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Thursday, November 29, 2007
    Tinig sa dingding

    kaluskos, kilos

    bulong sa sigaw

    mahinahong away

    magulong ligaya

    takbo, talon sa bintanang walang salamin

    bitbit ang lahat ng 'yong lagim

    iwan bagay, buhay, ngiti ng dati

    nakaraang di mapilipit, matupi ang pangit

    ma-itago ang hagupit, latay ng lupet

    sariling galit. heto ang awit.

    leeg ko sa kalawit.

     


    Posted at 08:10 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Sunday, November 18, 2007
    Tanda mo pa ba?

    hampas ng aking boses sa iyong mukha

    tadyak ng aking titig sa iyong mga mata

    sungit ng aking labi, mga linya ng aking sidhi

    galit na aking binitawan, gigil na aking pinkawalan

     

    nang ikaw ay aking saktan

    bubugin ang damdamin

    dignidad ay alipustahin

    isayad sa putik, pangalan mong inubos ko ang titik

    dangal na di pinansin, linis mong dungisan

     

    sisi, agiw sa aking sarili

    lakad, usad, bitbit ang sarili

    sori


    Posted at 02:46 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Sunday, June 10, 2007
    Hoy humarap ka dito!

    Ang tagal ko na din hindi nakapagblog. Yahu! Yahu! Katulad nung isa ko pang blog, magpo-post ako ng ilan sa aking nasulat, syempre may mga deyt na nakalagay - para, wala lang. hehehe! APIR!

    Walang titolo (walang deyt)

    patung patong na kalokohan

    dikit dikit na kasinungalingan

    sunod sunod na katarantaduhan

     

    nag-iiba ba ang ikot

    o bulag lang sa katotohanan

     

    ilan ba ang aking anino

    ano ba ang tunay na mundo

    ilan ba ang ilaw na tatapat

    ano ba ang tamang sikat

     

    minsan mainit minsan maginaw

    alinsangan ng araw

    lamig ng ulan

    bangungot ba o panaginip

     

    ngiti sa lungkot

    lungkot sa ngiti

    hindi parehas

    damdaming naka rehas

     

    hindi pansin na di pinapansin

    oy ang alat ng asin

     

    tanda ng sakit

    ngiti ko'y pilit

     

    Galit ka?! (01*26*07)

    masama bang malungkot?

    makita ang panget

    makita ang hindi maganda

    maramdaman ang kulan

    mangulila sa kung ano man..

     

    ipakita ang lungkot

    isip kong bumabaluktot

    ang barong ko ay lukot

    labi ko ay nakasimangot

    nakatungo, nakatingala - sa kawalan

    nararating mga di dapat marating

    naiisip and di dapat isipin

    hinga ko'y sumisikip

    batok ko'y namimilipit

    sala, hindi ko alam kung bakit.

     

    Umaanino sa kahit sino (03*27*07)

    Minsan magigising ka na lang nagiisa, ulila ng iilan - iniwan ng kalayaan, bilanggo ng mga nakaraan. Mga mali at tama na gumawa ng iyong tadahana. Ang tadhanang ngayon iyong tinatamasa. Habang buhay mong sasabihin na "oo" - tama ang aking ginawa, ngunit mahirap na kumbinsihin ang sarili. Sa pagdaan ng panahon, ang duda na nasa iyo ay ang kahinaan na magpapabagal ng iyong mundo. Paano. Paano, kaya ang nangyarai kung GANITO - GANYAN - O ETO KAYA. Paulit-ulit ang tanong at magmimistulang siraulo sa sarili. Pagsisi? Yan marahil ang maiisp mong solusyon sa mga bumabagabag sa 'yong isip. MALI. ANg tama lang agawin ay pagisipan ang mga gagawin - kung ito ay tama o ito ay isang mali na baka maging bahagi muli ng anino ng iyong sarili - madilim na nakaraan - madilim na kasalukuyan.

    Alipin (04*03*07)

    mahirap kung ikaw ang kulang

    maging bitin sa hanap

    kulang sa inaasam

     

    kay bigat ng pakiramdam

    kahit anino mo'y umaayaw

    walang karamay, walang may maidamay

     

    kaliwa man o kanan

    unang hakbang ay kulang

    walang sakto, walang sobra

    walang kulang - hindi ka kailangan

     

    ipilit man - gustohin man

    bitin - kapit sa patalim

    hinga mo ay malalim

     

    kay bigat ng hangin

    sapat na ang iyong tingin.

     

    Ang dati (05*09*07)

    hindi naman tulad ng dati

    umuulit - awit

    sumasayaw - araw

    dapit hapon na panimula

    ikot ng ikot - pakipot

     

    malungkot man - iba naman

    kuntento sa uhaw

    busog sa gutom

    sigaw ang parati

    ang dati!

     

    Heto na naman (03*13*07)

    mga bagay na di magbabago

    kahit ilang beses pag-awayan

    kahit ilang beses pag-diinan

    parang buhangin sa mata

     - masakit

    buwan man o taon ang lipas

    nandito, nandyan palaging kakatok

     - palaging dagok

    pipilitin mong pumikit at di makita

     - andyan pa rin ang sakit

    muli pa rin ang kirot - pagod na sa pagsinghot

    laklak sa alak

    hindi mo na malaman ang balak

    sana sa tapos ay di alat..

     

    SiGaW (06*03*07)

    kung pwede lang sumigaw

    isuka ang mga ayaw

    gaing masaya ang balintataw

    kalimutan ang uhaw

    umiwas sa pagiging bwakaw

    panay ang hanap tuwing sakay sa Sarao

    tingin, isipa ng malalim

    sa harap ng pinto salamin

    iba ka pa rin.


    Posted at 06:05 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Saturday, February 10, 2007
    Neknek mo!

    Pag minsan gusto ko ng sumigaw at mag-wala, parang isang damuhong gago na walang pakialam sa kahit ano, kanino, kahit sa sarili o kahit sa 'yo. Sa kadahilanan na hindi ko minsan malaman kung saan ako lulugar sa buhay mo. Alam ko na nahihirapan ka din, at gayun din ako.

    Pero hindi ko yun magawa - ang magwala. Natitigilan lang ako at natutulala. Naaalala kung ano man ang meron tayo, kung ano man ang laman ng maikling nakaraan. May mga oras na kung anong saya, may mga sandaling pilit binubura - binabaon sa limot sa likod ng aking isip.

    Parang kape at gatas na hindi pa nahahalo, may madilim na parte, may maputing gatas na animo'y nawawala at nilalamon ng itim. Ganoon pa tayo. Hindi ko pa alam ang halihaw ng isip mo, alam ko lang na mahal mo ako. Ganoon din naman ako, alam kong nagugulat ka kung ano talaga ako, isang taong mistulang nabuhay upang maging malungkot, sumimangot at mag-sungit sa mga bagay na hindi kanais-nais.

    Pero alam ko na darating din ang panahon na tama na ang timpla, pantay na ang kulay, patok na ang lasa. Gayunpaman, ako ay nagpapasalamat na, na sa maikling panahon na tayo ay nagkakilala, kahit ang ngiti ko ay hindi umabot hanggang tenga - mas matagal naman sya...

    Salamat gie.

    Iwan mo rin ako?


    Posted at 01:55 pm by vileo
    Make a comment  

     
    Wednesday, November 08, 2006
    Ma-ano

    Makalimutan

    damdamin ng iwan ng matagal

    Makaligtaan

    laktawan ng minamahal

    Malungkot

    tinging lahat ay simangot

    Masalimoot

    buhay kong bugnot

    Mararating

    tanaw na ang pagdating

    Masaya

    nakasama at nakilala

    Ma-

    malay ko na...


    Posted at 09:02 am by vileo
    Make a comment  

    Next Page